Inakusahan ni Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) chief Antonio Villar Jr. na isang mambabatas sa Central Luzon na mula sa isang maimpluwensiyang pamilya ang nasa likod umano ng smuggling ng mga 2nd hand at luxury vehicles sa Subic, Zambales.
“I don’t even want to mention the name of this politician. Anyway, the public is aware of their grand plan to press for the abolition of PASG in the hope of resuscitating the family’s smuggling business once I am out of the scene,” wika pa ni Villar.
Aniya, malapit sa Malacanang ang nasabing mambabatas subalit ang utos sa kanya ni Pangulong Arroyo ay walang dapat “sinuhin” ang PASG sa paghabol sa mga smugglers.
Batay sa dokumento ng PASG, ang pamilya ng nasabing mambabatas mula sa Central Luzon ay locator sa Subic kung saan ang negosyo nila ay sa importasyon ng used at luxury vehicles.
Ibinunyag ng PASG ang malawakang smuggling ng luxury vehicles sa Subic na naging daan upang masuspinde ang importation permit ng mga 2nd luxury vehicles.
Lalong napag-initan ng nasabing mambabatas ang PASG ng pamunuan na rin nito ang Task Force Subic upang labanan ang smuggling sa dating Naval base ng US. (Rudy Andal)