Pinoy driver namugot sa Saudi

Isang Pinoy driver ang inaresto matapos itong masangkot sa pagpatay at pamumugot ng ulo sa kapwa Pinoy na kasamahan niya sa trabaho makaraan ang mainitang pagtatalo sa Riyadh, Saudi Arabia.

Pansamantala munang hindi tinukoy ni Philippine Ambassador to Riyadh Antonio Villamor ang Pinoy suspect.

Sa report na tinanggap kahapon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alberto Romulo, dalawang oras matapos isagawa ang krimen kamakalawa ay naaresto kaagad ng mga awtoridad sa Riyadh ang suspek.

Sa paliwanag ng Arab Police, itinapon umano ng suspek ang ulo ng biktima sa isang basurahan habang natagpuan naman ang katawan nito na may tama ng siyam na saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. (Joy Cantos)

Show comments