Nadakip na consultant ng NDF inilantad

Matapos na maghain ng writ of amparo, inilabas na at iniharap kahapon ng Philippine National Police sa Court of Appeals ang naarestong consultant ng National Democratic Front.

Inilantad ng PNP si Elizabeth Principe matapos na maghain ng writ of amparo ang anak nito upang mapilitan ang mga awtoridad na ilabas ang kanyang ina.

Inutos naman ng CA sa PNP na ilantad ang mga pulis na humili sa suspek.

Ayon kay CA Associate Justice Jose Sabio Jr. maha­lagang matukoy muna ng korte kung sinu-sino ang mga nagsagawa ng pag-aresto upang malaman kung sino ang maaring mapanagot sakaling mapatunayang nalabag ang karapatan ni Principe.

Agad namang Ibabalik si Principe sa PNP custodial center. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments