^

Bansa

Pagbili at pagbebenta ng theses, term papers ipagbabawal

-

Isinusulong ngayon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa Senado ang isang panukalang batas na naglalayong ibagbawal ang pagbebenta at pagbili ng mga dissertations, theses, term papers, essays, reports at iba pang kaha­lintulad na projects ng mga estudyante lalo na sa kolehiyo.

Sa kanyang Senate Bill 2053 o “Academic Honesty Act of 2008”, sinabi ni Santiago na ma­halaga ang “academic achievement” sa pagkuha ng trabaho, promosyon at mas mataas na sahod kaya dapat itong pinaghi­hirapan ng mga estud­yante.

“Academic achievement is very important in obtaining employment, a promotion or higher com­ pen­sation in employment, or admission to a prestigious institution,” sabi ni Santiago.

Hindi aniya dapat nag­babayad ang mga estud­yante para may ibang taong gumawa ng kani­lang mga project.

Napuna ni Santiago na napakaraming estudyante sa kolehiyo ang nagiging tamad dahil marami nang nagbebenta ng mga gawang theses, reports, essays, at maging term papers.

Kapag naging batas, ang mapapatunayang lumabag ay papatawan ng parusang “arresto menor” at multang hindi lalampas sa P10,000 o pareho. (Malou Escudero)

vuukle comment

ACADEMIC HONESTY ACT

CITY

ISINUSULONG

MALOU ESCUDERO

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SENATE BILL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with