^

Bansa

JDV palaban na!

- Nina Butch Quejada at  Rudy Andal -

Mistulang nagdeklara ng giyera si House of Rep­resentatives Speak­er Jose de Vene­cia laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo  nang sabihin niya sa kanyang talumpati sa plenaryo ng mababang kapulungan kagabi na ang dahilan ng hakbang na patalsikin siya sa puwesto ay ang pagbubunyag ng anak niyang si Joey III sa ma­anomalyang kontrata ng pamahalaan at ng ZTE Corp. ng China sa National Broadband Proj­ect.

Kasabay nito, bilang sagot sa motion ni Pala­wan Congressman Ab­ra­ham Mitra, hiningi ni de Venecia ang pagbakante sa  lahat ng posisyon sa mababang kapulungan.

Sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso kahapon din, naghain si Mita ng motion na idek­larang bakante ang po­sisyon ng Speaker ng kamara.

Bago nagsesyon ang Kongreso,   nagkasun­do sa isang caucus  ang ruling coalition na ipag­pa­liban ang botohan sa pag­­ pili ng bagong Speaker upang bigyan ng tsansa  si de Venecia na kumonsulta sa kan­yang mga tagasuporta sa pag-asang manatili pa ang kanyang liderato. 

Gayunman, sa isang kahiwalay na pulong sa Luk Fu Restaurant, lu­magda ang may 169 kongresista sa isang manifesto na sumusu­porta sa pagtatalaga kay House Majority Floor Leader Prospero Nogra­les bilang bagong Speaker.

Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye sa isang media briefing sa Malacanang matapos ang coalition caucus sa Malacanang Park na handa na si de Venecia na magkaroon ng bo­tohan pero ang pinag-usapan sa caucus ay ang manner ng magiging botohan upang maiwa­san ang anumang siga­lot sa mga miyembro ng koalisyon.

Wika pa ni Bunye, ngayon magkakaroon ng botohan para sa isi­nusulong ng ilang kon­gresista na pagpapalit ng liderato sa Kamara kung saan ay sinasabi ng grupo ni Nograles na me­ron silang bilang para mapatalsik si de Vene­cia.

Hinihiling lang nila na idaan sa voting by acclamation at hindi sa nominal voting ang pagpili ng bagong Speaker upang hindi magkaroon ng confrontational debates sa kani-kanilang mga boto at maiwasan ang sa­maan nang loob.

Magugunita na ka­bilang ang anak ng Pa­ngulo na sina Pampanga Rep. Mikey Arroyo at Camarines Sur Rep. Dato Arroyo sa sumusu­porta kay Rep. Nograles.

Naunang sinabi ni Rep. Mikey na dapat nang palitan si de Vene­cia dahil sa pagkabigo nitong maipatupad ang reporma sa Kamara, ang kawalan ng transparency sa pagpapalabas ng pondo at ang pag­payag nitong sumawsaw sa government transactions ang anak nitong si Joey III.

Sa hiwalay na ulat, inihayag ni An Waray Party List Rep.  Flo­rencio “Bem” Noel na umabot sa mahigit 169 solons mula sa iba’t ibang par­tido ang lumagda sa ma­nifesto na nagsasabing wala na silang kumpi­yansa kay de Venecia.

Tinawag ang manifesto na isang “Death Warrant,” sinabi ni Noel na dulot ng lumalagong suporta upang patalsikin si de Venecia, ipinakikita nito na tuluyan nang natapos ang krisis na bumabalot ngayon sa Kamara.

“Nakita ko ang lista­han at kung sino ang 169 solons na lumagda sa manifesto, tapos na ang boksing. Ihahain namin ang lagda at ang sina­sabing “warm bodies” upang maipatupad na ang pagbabago sa lide­rato ng Kamara,” giit ni Noel.

Ngunit kasamaang palad, naantala ang show­down kahapon sa Kamara matapos mag­desisyon ang isang administration solon na magdaos muli ng pani­ba­gong caucus upang tuluyan nang makapag­desisyon kung paano mareresolbahan ang krisis.

Ayon naman sa ba­tang Arroyo, mahigit kalahati ng miyembro ng Lakas Party ang nag­pahayg ng suporta upang patalsikin si De Venecia sa poder.

Napaulat naman sa ABS-CBN ang pagbu­bunyag ni de Venecia  na, ayon umano kay Manila Rep. Bienvenido Abante, may kumalat na tsismis na may nag-aalok ng mula P500,000 hanggang P1 milyon sa bawat kongresista para patalsikin siya sa pu­westo.

KAMARA

SHY

VENE

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with