Panunuya ni Mikey kay De Venecia idinepensa ng Palasyo

Tulad ng inaasahan, dinepensahan kahapon ng Malacañang ang  panu­nuya ni presidential son Pam­panga Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo  kay House Spea­ker Jose de Venecia Jr. na sinasabing malapit nang mapatalsik sa kan­yang puwesto.

Ayon kay Presiden-tial Management Staff Chief Cerge Remonde, kara­pa­tan din ni Arroyo bi-lang kongresista ang magsalita ng saloobin nito tungkol sa liderato ng Kamara.

Napabalita na sinabi ni Arroyo na dapat  tigilan na ni de Venecia na mag­tago sa saya ng kan-yang inang si Pangulong Gloria Arroyo.

“May karapatang mag­­salita nang ganoon si Mikey, kongresista siya,” pahayag ni Re­monde.

Nauna rito, kumalas si Mikey sa partido ni de Venecia na Lakas-CMD at lumipat sa Kabalikat ng Malayang Pilipino na isa sa mga nagsusu- long para mapatalsik  sa puwesto si de Venecia. (Malou Escu­ dero)

Show comments