Panunuya ni Mikey kay De Venecia idinepensa ng Palasyo
Tulad ng inaasahan, dinepensahan kahapon ng Malacañang ang panunuya ni presidential son Pampanga Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo kay House Speaker Jose de Venecia Jr. na sinasabing malapit nang mapatalsik sa kanyang puwesto.
Ayon kay Presiden-tial Management Staff Chief Cerge Remonde, karapatan din ni Arroyo bi-lang kongresista ang magsalita ng saloobin nito tungkol sa liderato ng Kamara.
Napabalita na sinabi ni Arroyo na dapat tigilan na ni de Venecia na magtago sa saya ng kan-yang inang si Pangulong Gloria Arroyo.
“May karapatang magsalita nang ganoon si Mikey, kongresista siya,” pahayag ni Remonde.
Nauna rito, kumalas si Mikey sa partido ni de Venecia na Lakas-CMD at lumipat sa Kabalikat ng Malayang Pilipino na isa sa mga nagsusu- long para mapatalsik sa puwesto si de Venecia. (Malou Escu dero)
- Latest
- Trending