Nagpatupad kahapon ng panibagong pagtapyas na P0.50 sentimos kada kilo o P5.50 kada 11 kg na tangke sa presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) habang nakatakdang magbaba din ng piso kada litro sa produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis.
Sinabi ni Arnel Ty, pangulo ng LPG Marketers Associaton (LPGMA), bumaba na ang demand sa LPG sa ibayong dagat dahil na rin sa pagtatapos na ng winter season.
Samantala, nagpahayag din ng pisong pagbaba sa presyo sa diesel, gasoline at kerosene kada litro ang mga kumpanya ng langis simula sa Biyernes ng madaling araw. (Rose Tamayo-Tesoro/Edwin Balasa)