Extension ni Esperon itinanggi ng Palasyo

Itinanggi kahapon ng Malacañang na mayroon nang kautusan si Pangulong Arroyo upang bigyan ng extension ang termino ni outgoing AFP Chief Hermogenes Esperon Jr. na nakatakdang magretiro sa darating na Pebrero 9. 

“I have not receive any information regarding the extention of term of Gen. Esperon who is turning 56 years old on Feb. 9,” wika ni Sec. Bunye na kasama sa delegasyon ng Pangulo sa Davos, Switzerland.

Napaulat na isang mapagkakatiwalaang source sa Palasyo ang nagsabing nagdesisyon na umano ang Pangulo na palawigin ng isang taon ang termino ni Esperon.

Sinabi naman ni Esperon na wala pa siyang natatanggap na official confirmation kaugnay sa posibilidad na bigyan siya ng extension ni PGMA.

Sakali umanong magkatotoo ito ay nais niyang hanggang sa Hulyo lamang upang mapagbigyan pa ang kanyang nirerekomendang si Gen. Alexan­der Yano na maupo bilang pinuno ng AFP.

“Nakakaramdam akong kinukunsidera ng Pangulo ang aking extension,” dagdag pa ni Esperon. (Rudy Andal)

Show comments