^

Bansa

Kampanya vs substandard products

-

Inatasan ni Pangulong Arroyo ang Bureau of Product Standards sa ilalim ng Department of Trade and Industry na ipagpatuloy ang mahigpit na monitoring nito laban sa paglipana ng mga depektibong produkto sa pamilihan nang sa gayon ay maprotektahan ang mga mamimili mula sa hindi ligtas na mga pa­ninda.

“I want DTI to ensure that establishments violating DTI-BPS regulations should face the appropriate sanctions,” babala ng Pangulo.

Sa report ni DTI-BPS Jesus L. Motoomull, sa 375 establishments na namonitor sa buong bansa, 45% o 167 dito ang napatunayang luma­bag sa batas, 350,000 piraso ng substandard goods na nagkakahalaga ng mahigit P41.6 million at kabuuang P2,186,125 ang nakolekta bilang multa sa mga violators.

Noong 2007, sinuyod ng DTI-BPS ang mga pamilihan sa bansa at partikular na siniyasat ang tinuturing na mga critical consumer products gaya ng LPG cylinders, steel bars, wire nails, plywood, lamps and related equipment, wiring devices, automotive batteries, pneumatic tires, electrical household appliances, Christmas lights, lighters, flat glass, GI wires at GI sheets.

Ang DTI-BPS, sa pa­ma­magitan ng Product Certification Scheme nito ang namamahala sa sale ng critical consumer products na lubhang naka­kaapekto sa buhay ng tao, ari-arian at kalusugan gaya ng electrical at electronic devices, home appliances, building and construction materials, chemical at consumer products.

Lahat ng manufacturers at importers ng mga products ay kailangang mag-aplay para sa Philippine Standards (PS) License at Import Commodity Clearance (ICC) certificate at ipasuri ang ka­nilang mga produkto bago ito ibenta at ikalat sa pamilihan. Tanging mga manufacturers at importers na ang produkto ay pumasa ang bibigyan ng PS License at ICC at awtorisado na maglagay ng PS o ICC mark sa kanilang mga paninda.

BUREAU OF PRODUCT STANDARDS

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

IMPORT COMMODITY CLEARANCE

JESUS L

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE STANDARDS

PRODUCT CERTIFICATION SCHEME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with