Nagpahayag ng kumpiyansa ang bagong liderato ng Air Transporation Office na sa loob ng tatlong buwan ay makakasunod at maibibigay nila ang mga hinihingi ng Federal Aviation Authority upang muling maibalik sa category 1 ang Pilipinas pagdating sa larangan ng aviation security.
Sa pulong-balitaan kahapon ng tanghali sa ATO headquarters sa Pasay City, sinabi ni Acting ATO chief ret. General at Transportation and Communications Sec. Leandro Mendoza na kasalukuyan na nilang kinukumpleto ang “compliance” na hinihingi ng FAA upang mabalik sa category 1 ang Pilipinas. (Ellen Fernando)