^

Bansa

Pinay worker pinatay sa Canada

-

Isang 40 anyos na Pilipina na kumuha ng da­lawang trabaho para masuportahan ang kanyang limang anak at asawa dito sa Pilipinas ang natagpuang patay sa likod ng isang Baptist Church sa Calgary, Canada  noong Biyernes.

Iniulat sa isang  isyu nitong Linggo ng Calgary Herald, isang pahayagan sa Canada, na pauwi na ang biktimang si Arcelie Laoagan mula sa trabaho noong Huwebes ng gabi nang mamatay siya sa kahina-hinalang paraan malapit sa Franklin C-Train station.       

Inireport ng mga kasamahan ni Laoagan sa tinutuluyan niyang kuwarto na hindi na siya nakauwi mula nang umalis siya sa kanyang trabaho sa West Canadian bandang alas-10:00 ng gabi ng Hu­webes.

Naliligo sa dugo ang katawan ng biktima nang makita sa isang tagong lugar sa likod ng Grace Baptist Church.

Nabatid na nagtatrabaho si Laoagan bilang scanner operator sa West Canadian Digital Printing Company.

ARCELIE LAOAGAN

BIYERNES

CALGARY HERALD

FRANKLIN C-TRAIN

LAOAGAN

PLACE

WEST CANADIAN

WEST CANADIAN DIGITAL PRINTING COMPANY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with