Class suit vs PNP isasampa ng media
Dahil umano sa banta sa press freedom, nakatakdang magsampa ng class suit ang ilang naposasang miyembro ng media laban sa Philippine National Police (PNP) kaugnay ng naganap na pag-aaklas ng grupo ni Sen. Antonio Trillanes IV sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City noong Nobyembre 29, 2008.
Ayon kay Ellen Tordesillas, beteranang reporter at hard-hitting columnist ng
Nangunguna sa mga kakasuhan sina PNP Director Gen. Avelino Razon Jr. at National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Deputy Director Geary Barias.
Iginiit ni Tordesillas na illegal umano ang ginawang pag-aresto, pagpoposas at pagdetine sa mga mediamen matapos silang mapag-initan ng mga awtoridad sa nangyaring mahigit anim na oras na standoff.
“This is a case against those who want to suppress press freedom,” matapang na pahayag ni Tordesillas.
Ayon kay Tordesillas, sasama rin sa pagsasampa ng class suit sa Makati City Regional Trial Court sa susunod na linggo ang National Union of Journalists of the Philippines, Center for Media Freedom and Responsibility at iba pang organisasyon ng media kung saan ang beteranong si Atty. Harry Roque ang tatayong abogado ng kanilang grupo.
Maliban kay Tordesillas, naposasan din sina Noel Alamar ng DZMM, Raul Esperas ng DWIZ, Chona Yu ng DZRV Radio Veritas, mga crew at reporter ng mga television stations, reporter ng print media atbp.
Sinabi ni Tordesillas na bilang mga mamamahayag ay trabaho nitong maghatid ng impormasyon sa publiko ng patas at walang kinikilingan.
Ang isasampang class suit ay kaso ng media laban sa lahat ng gustong busalan ang malayang pamamahayag sa bansa.
Ayon pa kay Tordesillas, maging ang mga mamahayag na hindi nasangkot sa
Magugunita na pati mediamen na nag-cover sa
- Latest
- Trending