ATO Chief sinibak!
Sinibak kahapon ni Pangulong Arroyo ang hepe ng Air Transportation Office (ATO) na si Daniel Dimagiba at itinalaga pansamantala upang mamuno sa nasabing ahensiya si Transportation Secretary Leandro Mendoza.
Sinabi ni Presidential Spokesman at Press Secretary Ignacio Bunye, mananatili bilang concurrent ATO chief si Mendoza sa loob ng 3 buwan upang pamahalaan ang administrative at technical issues na inireklamo ng US-Federal Aviation Authority (FAA).
Sinibak si Dimagiba dahil sa pagkabigo nitong ipagbigay-alam sa Kongreso ang pagkukulang ng ATO na naging dahilan sa downgrading ng ratings ng Pilipinas sa category 2.
Ibinaba ang ratings ng Pilipinas ng US-FAA matapos mabatid na ang Philippine Civil Aviation Authority ay hindi nakakasunod sa itinakda ng International Civil Aviation Organization.
Una rito ay nanawagan sa Pangulo at kay
Naghihinala ang mga ito na ang kakulangan sa kuwalipikasyon at kakayahan ng ilang opisyal ang isang dahilan kung bakit ibinagsak ang Philippine Aviation Industry mula category 1 sa category 2 na nagdulot ng hindi magandang bentahe sa kalalagayan ng aviation industry sa bansa.
Ayon sa mga ATO employees, maging si Dimagiba umano ay hindi qualified na pangasiwaan ang ATO. Anila, ang kailangang ilagay sa puwestong ito ay isang accredited pilot at isang air traffic controller.
Nalagay lamang anila sa posisyon si Dimagiba bilang Executive Director ng ATO dahil sa pagiging isang aeronautical engineering graduate nito at weatherman.
Bukod dito, ang Air Carrier Operations Section na pinangangasiwaan ng isang Manuel Villegas ay wala din umanong nalalaman at hindi sanay sa commercial flying at pagbusisi sa pilot tests, ride inspections ng mga piloto at aircraft. Si Villegas anila ay humahawak ng isang kritikal at sensitibong tungkulin ngunit wala umanong balido at current pilots license.
Binanggit din ang isang Amado Soliman Jr. na nagsisilbing consultant ni Dimagiba. Si Soliman umano ay isa lamang sa ilang piloto ng PAL na nasangkot sa iba’t ibang air-related accidents. Siya ay kasalukuyang chairman at presidente ng Air Safety Foundation, Inc. (Rudy Andal/Angie dela Cruz/Butch Quejada)
- Latest
- Trending