^

Bansa

Edsa 2, Mendiola massacre anniv. 10,000 pulis idedeploy

- Nina Joy Cantos at Doris Franche -

Aabot sa 10,000 pulis ang nakatakdang ideploy ng Philippine National Police (PNP) para magbantay kaug­nay ng isasaga­wang malawakang kilos pro­testa ng mga mili­tanteng grupo sa mag­kasunod na pagdiriwang ng Edsa Dos at Men­diola massacre sa ban­sa sa susu­nod na mga araw.

Sa ginanap na Tala­kayan sa Isyung Pam­pulis (TSIP), sinabi ni PNP Directorate for Operations Chief Supt. Silverio Alarcio na may sapat na puwersa ang pulisya upang sumupil sa anumang mga kagu­luhan kung saan paiira­lin nila ang maximum tolerance kontra sa mga raliyista.

Nauna nang nag­banta ang mga militan­teng grupo na sasalu­bungin ng malawakang kilos protesta ang mag­kasunod na anibersaryo ng Edsa 2 na ginugunita tuwing Enero 20 at ang Mendiola massacre sa Enero 22. 

Sinabi ni Alarcio na hindi sila mangingiming ipatupad ang pag-aresto sa mga raliyista na ma­giging bayolente at sa mga tamang lugar la­mang ang mga ito ma­aring mag-rally.

Kaugnay nito, apat na lugar naman ang ma­higpit na tinututukan ng PNP kaugnay ng ina­asa­hang mga kilos pro­testa na kinabibilangan ng Chino Roces Bridge sa Mendiola, Edsa shrine, Welcome Ro­tonda, Commonwealth Avenue at ang Ayala Avenue. Ang nasabing mga lugar ay siya uma­nong point of assembly ng mga raliyista.

Pinayuhan naman kahapon ni Manila Ma­yor Alfredo S. Lim ang mga aktibistang grupo na kumuha muna ng permit bago magsagawa ng mga kilos protesta sa makasaysayang tulay ng Mendiola.

Ayon kay Lim, papa­yagan naman nila na makapagdaos ng isang mapayapang programa ang mga raliyista sa nasabing lugar sa Enero 22, na ika-21 taong ani­bersaryo ng masaker basta’t may permit la­mang ang mga ito.

Hindi rin naman uma­no bibigyan ng time limit ng alkalde ang grupo ngunit kinakailangang maging mapayapa ang gagawing pagtitipon ng mga ito.

Ang pagkuha ng permit ng mga rally organizers ay para rin naman aniya  sa kapakanan ng mga ito upang mabigyan ng panahon ang city gov­ernment na maka­pag­handa para sa segu­ridad ng mga lalahok sa rally at gayundin sa  pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa lugar.

Nagpahayag rin ng paniniwala ang alkalde na karapatan ng mga ito na magpahayag ng ka­ni­lang saloobin sa ilalim ng Saligang Batas.

Matatandaang noong Enero 22, 1987 ay pinag­babaril at napatay ng mga  sundalo at mga pulis ang mga nagpu-protestang mga magsasaka sa Men­diola na ikinamatay ng 13 sa kanila.

ALFREDO S

AYALA AVENUE

ENERO

MENDIOLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with