Pinaplano umano ng Communist Party of the Philippines at New Peo ple’s Army sa pakikipagsabwatan sa Magdalo Group na maglunsad ng bagong destabilisasyon upang ibagsak ang administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Armed Forces of the Philippines- National Capital Region Command Chief Major Gen. Fernando Mesa kaugnay naman ng isiniwalat ni Department of Justice Secretary Raul Gonzalez na may isasagawang destabilisasyon sa Enero 22.
Sinabi ni Mesa na posible umano ang destabilisasyon sa pagitan ng Enero 20 hanggang Ene ro 22 o hangga’t nakakasilip ng pagkakataon ang communist rebels na kaalyado ng Magdalo Group hanggang sa bago magtapos ang buwang ito o sa tuwing may gugunitaing okasyon sa bansa sa unang bahagi ng taon.
Inihayag ng heneral na ang Enero 20 ay siyang ikapitong taong aniber saryo ng Edsa 2 o ang pagkakaluklok sa kapangyarihan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo habang ang Enero 22 naman ay siyang ika -21 anibersaryo ng Mendiola massacre kung saan nagbanta ang mga raliyista na babandera sa mga lansangan. (Joy Cantos)