Jalosjos susunod na ‘igigisa’

Ang sentensyadong rapist na si dating Zam­boanga del Norte Congressman Romeo Ja­losjos ang susunod na ‘gigisahin’ ngayong Martes ng fact-finding committee ng Department of Justice na nagsisiyasat sa bigla niyang paglabas mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa at pagka­kapunta niya sa kan­yang lalawigan noong nakaraang buwan. 

Ayon kay State Prosecutor Philip Kimpo, si Jalosjos na ang susu­nod matapos na suma­lang ang mga opisyal ng Bureau of Corrections at NBP.

Nais malaman ng DOJ kung paano naka­kuha ng kopya ng release order si Jalosjos noong Disyembre 22 ng nakaraang taon gayung hindi pa tapos ang sen­tensiya nito samanta­lang giit namang ng da­ting kongresista na may­roon siyang valid  release order na may petsang Disyembre 16.

Iginiit naman ni Justice Secretary Raul Gon­zalez na kanselado ang release order ni Jalosjos. (Gemma Amargo-Gar­cia)

Show comments