Ipinag-utos ni Justice Secretary Raul Gonzalez na ilipat sa Department of Justice ang preliminary investigation ng isang mining case sa Palawan dahil sa umano’y harassment at panggigipit na dinaranas ng mga sangkot sa naturang kaso.
Matatandaang nagsampa ng reklamo ang isang nagngangalang Mark Benedicto Concepcion ng Palawan Mining Regulatory Board laban sa mga opisyal ng Citinickel Mines and Development Corporation at Oriental Peninsula Resources Group. Ang kaso’y may kinalaman sa umano’y illegal quarrying at theft of minerals kaugnay ng kalsadang ginagawa ng kumpanya sa bayan ng Sofronio Espanola sa timog Palawan.
Mariin namang itinanggi ng naturang kumpanya ang akusasyon at sinabing ito’y isang uri lamang ng harassment.
Nagdesisyon si Gonzales na ilipat sa Maynila ang hearings ng kaso matapos makatanggap ng reklamo na marami umanong death threats at pananakot na natatanggap ang mga executives ng dalawang kumpanya.