Pag-ulan 1-week pa

Inaasahan ng Philippine Atmospheric Geophysical  and  Astronomical Services (Pagasa) na magtu­tuloy-tuloy ang nara­ranasang pag-ulan ng hanggang isang ling­ go sa buong bansa dulot ng “low pressure area” na namataan sa Southern Luzon.

Sa advisory ng Pagasa kahapon, na­mataan ang namu­muong sama ng pana­hon may 140 kilometro sa kanlu­ ran ng Min­doro. 

Sinabi naman ni Pagasa weather branch chief, Nathaniel Cruz na inaasahan nilang hindi magiging isang bagyo ang naturang “low pressure area” ngunit mag­dudulot ng pag-ulan sa buong kapuluan na nag-umpisa nitong Enero 13 at inaasahan na tatagal ng Enero 13 o higit pa.

Nagbabala naman ang ahensya sa pub­liko na mag-ingat sa posib­ leng pagkaka­roon ng flashfloods at pagguho ng lupa dulot ng walang humpay na pag-ulan. Pi­nayuhan nito ang publiko at ang pamahalaan na isa­gawa ang kaukulang paghahanda sa tra­hedya.  (Danilo Garcia)

Show comments