Aarangkada na sa darating na Pebrero ang panibagong RP-US Balikatan joint military exercises bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa terorismo.
Ayon kay US Embassy Spokesman Rebecca Thompson, interesado ang pamahalaan ng Amerika sa idaraos na Balikatan exercises sa bansa.
“ Definitely, we are looking forward to another rounds of Balikatan exercises in terms of interoperability and defense building measures,” ani Thompson.
Sinabi ni AFP-Western Command Public information Officer Major Eugene Batara na sa darating na Pebrero 18 uumpisahan ang panibagong RP-US war games sa Western Mindanao na tatagal ng 15 araw at sesentro sa humanitarian mission.
Hindi lamang sa lalawigan ng Sulu magkakaroon ng mga medical and dental mission kundi maging sa Basilan at Tawi-tawi.
Nilinaw ni Batara na may nakapaloob na anti-terror training sa naturang pagsasanay.
Sa pagbisita naman ni US Ambassador to the Philippines Kristie Kenny, tiniyak nitong sa susunod na linggo ay magsisimulang duma ting ang mga sundalong Amerikano na lalahok sa nasabing war games. (Joy Cantos)