Itinalaga ni Pangulong Arroyo bilang concurrent head ng Task Force Subic si Presidential Anti-Smuggling group head Undersecretary Antonio “Bebot” Villar Jr. bilang kapalit ng yumaong si Gen. Jose Calimlim (Ret.).
Nilagdaan ni Pangulong Arroyo ang Executive Order 667 noong Diysembre 27, 2007 na nagtatalaga kay Usec. Villar.
Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita, pamumunuan ni Villar ang Task Force Subic habang siya pa rin ang pinuno ng PASG.
Ayon kay Villar, sinabi sa kanya ni PGMA na siya ang nilagay niya dito upang sugpuin ang smuggling sa Subic Bay Free Port na kilalang bagsakan ng mga smuggled na luxury vehicles.
Nangako naman si Villar na tutuldukan niya ang smuggling activities sa Subic sa ilalim ng kanyang pamumuno. (Rudy Andal)