^

Bansa

Jalosjos inatake, naospital sa Bilibid

-

Wala pang isang araw mula ng ipasok sa maximum security compound ng National Bilibid Prisons (NBP) ay sa pagamutan naman dinala si convicted child rapist Romeo Jalosjos matapos umanong tumaas ang blood pressure nito at manikip ang dibdib.

Inoobserbahan ngayon ang kondisyon ni Jalosjos na dumating sa Bilibid nitong Biyernes ng gabi mula sa Zamboanga penal colony alinsunod sa utos ni Justice Secretary Raul Gonzalez na muling arestuhin ito at ibalik sa NBP matapos ibasura ng korte ang habeas corpus ng dating mambabatas.

Samantala, handa umanong harapin ni Gonzalez at ng kanyang tanggapan ang kasong isasampa sa kanila ng kampo ni Jalosjos.

Nabatid sa abogado ni Jalosjos na si Atty. Alfredo Jimenez na kukuha ng mga abogado dito sa Maynila ang dating kongresista upang siyang humawak ng kaso nito.

Kakasuhan daw ni Jalosjos si Gonzalez dahil sa utos ng huli na arestuhin ang una at ibalik sa NBP matapos itong lumabas ng walang permiso noong Disyembre 22 at magtungo sa Zamboanga.

Pag-uusapan na ng DOJ, mga abogado ng gob­yerno at ng BuCor kung maaring bumalik bilang minimum security inmate si Jalosjos sa Lunes.(Gemma Amargo-Garcia/Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALFREDO JIMENEZ

GEMMA AMARGO-GARCIA

GONZALEZ

JALOSJOS

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

NATIONAL BILIBID PRISONS

ROMEO JALOSJOS

ROSE TAMAYO-TESORO

ZAMBOANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with