^

Bansa

Teorya ng intel official: G-2 blast gawa ng anti-Arroyo group

-

May posibilidad na ang pagsabog na naga­nap sa Glorietta 2 sa Ma­kati noong isang taon ay kagagawan ng mga “misguided elements” na gus­tong wasakin ang admi­nistrasyon.

Sa teorya ng isang intelligence official na tu­mangging magpa­bunyag ng pangalan, ang na­unang findings ng mga nagsiyasat sa Glorietta blast na may bakas ng RDX component ng C4 na isang uri ng bombang gamit ng military na nakita ng mga bomb experts sa basement ng Glorietta ay patunay na bomba ang sumabog. 

Anang impormante, malamang “ninakaw” ang C4 sa armory ng military. 

Dapat aniya na siya­satin ng Philippine National Police at makipag­koordina sa Armed Forces of the Philippines ang pag-im­bentaryo kung may nawa­walang C4 sa kanilang armory at kung sino itong mga “misguided elements” na may kagagawan sa pagsa­bog.

Base sa mga na­unang report ng pagsa­bog, agad na sinabi ni PNP Chief Avelino Razon Jr. na isang bomba ang sumabog sa Glorietta 2 na sinegun­dahan naman ni Pangu­long Arroyo.

Subalit dahil sa iba’t ibang komento mula sa hanay ng oposisyon na ang pagsabog ay pakana ng pamahalaan, biglang nabago ang kapulisan at sinabing hindi na bomba ang sumabog kundi gas.

Matagal ng sinasabi ng Ayala Land, ang may-ari ng Glorietta, na hindi pwedeng methane o diesel ang sumabog dahil hindi raw sumasabog ang sariwang dumi ng tao at ang diesel naman ay nasa loob pa ng tangke sa basement.

Malabo rin daw na gas dahil may dalawang singa­wan sa basement - (1) ang hagdanan at (2) ang delivery bay na kasya ang dalawang delivery vans na mag-park ng sabay. 

Kung may gas man, liliyab lang ito pero hindi sasabog at lalo ng hindi kayang gibain ang ma­kakapal na sahig ng se­mento hanggang sa pa­ngat­long palapag.

Sabi ng intelligence official, importanteng mala­man kung ilan ang nawa­walang C4 upang maka­pre­para ang mga awto­ridad.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYALA LAND

CHIEF AVELINO RAZON JR.

GLORIETTA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with