^

Bansa

Child safety device isinulong

-

Dahil sa dumaraming aksidente sa lansangan na kinakasangkutan ng mga motor vehicles, isinulong ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang panukalang batas na naglalayong ga­wing mandatory ang pag­gamit ng mga safety devices para sa mga batang sakay ng isang “moving motor vehicle”.

Sa kanyang panuka­lang batas na tatawaging, “Child Safety Device Act of 2007 ” ipinaliwanag ni San­tiago na sa Pilipinas ang motor vehicles crashes ang ikatlo sa leading cause ng overall mortality ng 10-14 year old age group.

Base naman sa pag-aaral ng Philippine Pediatric Society Inc, noong 2004 ang mga private owned motor vehicles ay umaabot sa 79.6% ng mga sasak­yan sa lansangan sa bansa. Sa 5-15 year old age group, ang traffic crashes ang ikatlo sa leading cause ng mortality o pagkamatay.

Ang hindi umano pag­gamit ng seat belts at ka­ walan ng safety devices ang nagiging sanhi ng agarang pagkamatay ng mga bata ka­pag nasangkot ang sina­sakyan nilang sasakyan sa isang aksi­dente.

“Lack of seat belts or improper use of restraints may account for a substantial portion of these deaths. Adult seat belts are ill equipped to protect young children. Child seats provide effective restraint for young children riding in motor vehicles and minimize risk of death and injury during car crashes,” anang panukala ni San­tiago.

Ipinaliwanag pa ni Santiago na bagaman at nakapaloob na sa Republic Act 8750 ang installation at paggamit ng adult seat belts sa unahan at hulihang bahagi ng sasakyan, hindi naman nakasaad sa batas ang paglalagay ng “specialized seats o restraints” para sa mga batang pasa­hero.

Ipinaalala rin ng sena­dora na bawal sa mga batang wala pang anim na taong gulang ang maupo sa anumang moving motor vehicle.

Isang libong piso (P100,000) na multa o pagkabilanggo ng hindi hihigit sa 30 araw ang naghihintay sa mga driver na hindi maglalagay ng safety device para sa mga bata sa sandaling maging isang ganap na batas ang panukala. (Malou Escudero)

CHILD SAFETY DEVICE ACT

MALOU ESCUDERO

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PHILIPPINE PEDIATRIC SOCIETY INC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with