New Year’s bombing nasilat
Napigilan ng mga awtoridad ang
Dakong alas-8:00 ng gabi nang marekober ng nagrespondeng mga elemento ng Cotabato City Police ang isang Improvised Explosive Device sa Tanghal Bridge ng naturang lungsod.
Ang nasabing bom ba ay may sangkap na tatlong kilo ng ammonium nitrate na makakayang lumikha ng malakas na pagsabog at puminsala hindi lamang ng nasabing imprastraktura kundi pati ng buhay ng mga inosenteng sibilyan.
Natagpuan rin sa lugar ang apat na improvised blasting caps, dalawang 9 volts na battery at dalawang electric circuits ng doorbell.
Ang bomba, ayon sa mga police explosive expert ay remote triggered na makakayang pumatay ng tao hanggang sa layong may 100 metro kung hindi naagapan ang pagsabog nito.
Sinabi ni Sr. Inspector Samson Obatay ng Police Mobile Group ng Cotabato City Police na ang nasabing bomba ay itinanim ng mga lokal na teroristang grupo na ibig sirain ang peace and order sa lungsod.
Pinaniniwalaan ring ang bomba ay nakaumang sa pagsalubong sa Bagong Taon at mabuti na lamang na narekober ito saka na-idetonate ng mga operatiba ng pulisya bago makapinsala. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending




















