Daan-daan, jobless ngayong 2008

Malungkot ang taong 2008 para sa may daan-daang manggagawa sa bansa.

Marami sa kanila ang inaasahang mawa­walan ng trabaho nga­yong taong ito.

Sa unang araw ng taong ito, takdang tang­galin sa trabaho ang mahigit 800 mang­ ga­gawa ng Philippine Skyway Corporation.

Sinabi ng mga nag­ welgang manggagawa ng PSC na mahigit 800 sa kanila ang tatang­galin dahil sasaklawin na ng Citra ang pama­mahala sa Skyway.

Sinabi ng lider ng unyon ng mga mang­gagawa na si  Jose Apollo Ado na, sa ilalim ng pamamahala ng Citra, sisingilin ng dag­dag na toll fee ang pub­liko.

“Habang nanga­nga­nib kaming mawalan ng trabaho, papatawan naman ng dagdag na toll fee ang mga mo­torista dahil pahihintu­lutan ang Citra na itaas nang 150 porsiyento ang koleksyon nito,” sabi pa ni Ado.

Show comments