^

Bansa

Impluwensya ng NPA humina raw

-

Humina na ang im­plu­wensyang pulitikal at militar ng Communist Party of the Philippines at ng New Peo­ple’s Army nito sa nagdaang taong 2007 na nakaapekto sa ka­nilang bigong pagta­tang­ka na ibagsak ang administrasyon ni Pa­ngulong Gloria Maca­pa­gal Arroyo.

Ito ang nabatid ka­ha­pon sa ipinalabas na accomplishment report ng Armed Forces of the Philippines.

Nabatid na mula Enero hanggang Nob­yembre ng nakaraang taon ay nakapagsa­gawa ang tropa ng militar ng  kabuuang 308 operas­yon sa mga lugar o ba­rangay na malakas ang implu­wensya ng komu­nis­tang mga rebelde.

Sa Metro Manila, ini­hayag ng mga opis­yal ng militar na bigo ang mga rebelde na maka­pag-recruit ng mga sa­sapi sa kani­lang pu­wersa dahilan sa pre­sensiya ng AFP-Civil Military Operations sa mga slum areas.

Ayon kay  AFP-CMO Battalion Commander Col. Buena­ven­tura Pas­cual, da­hilan sa isina­sagawa nilang pagmu­mulat sa publiko sa ka­sa­maan ng mga rebel­deng NPA ay tuluyan nang hu­mina ang pu­wersa ng re­bolusyo­naryong ki­lusan na namayag­pag sa bansa sa loob ng 39 dekada.

Sinabi ni Army Spokes­man Lt. Col. Ernesto Tor­res Jr., na aabot sa 500 sun­dalo na pawang miyembro ng Special Operations Team ng AFP-CMO Battalion ang kanilang idineploy  sa 42 slum areas sa buong Metro Manila. (Joy Cantos)

ARMED FORCES

ARMY SPOKES

BATTALION COMMANDER COL

CIVIL MILITARY OPERATIONS

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

ERNESTO TOR

GLORIA MACA

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with