^

Bansa

Kampanya vs oil smuggling paiigtingin pa ng PASG

-

Paiigtingin ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang kampanya nito laban sa oil smuggling sa gitna ng panukala ng Senado na suspindihin ang koleksyon ng EVAT sa petroleum products.

Sinabi ni PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., ang ginawa niyang pagbu­bunyag sa pandaraya sa buwis ng Oilink International Corp., PTT Philippines Corp., Tri-Solid and Mawab and Andan Resources ay nagresulta sa pag­babayad ng mga ito ng P482 milyon na back taxes at penalties sa gobyerno.

Wika pa ni Usec. Villar, mayroon pa silang babayarang P400 milyon matapos matuklasan ang ka­nilang technical smuggling.

Inatasan ni Villar ang kanyang mga tauhan na lalong pa­lakasin ang kampanya laban sa oil smuggling partikular sa Subic Bay Free Port upang hindi makalusot ang mga ito sa pagba­bayad ng tamang bu­wis.

Sa pamamagitan nito, wika pa ng PASG chief, ay makakasiguro tayo ng tamang kolek­syon ng buwis sa gitna ng panukala ng Se­nado na suspindihin ang koleksyon ng EVAT sa petroleum products kung saan ay inaasahang aabot sa P40 bilyon ang mawa­wala sa gobyerno. (Rudy Andal)

INATASAN

OILINK INTERNATIONAL CORP

PHILIPPINES CORP

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

RUDY ANDAL

SHY

SUBIC BAY FREE PORT

TRI-SOLID AND MAWAB AND ANDAN RESOURCES

UNDERSECRETARY ANTONIO VILLAR JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with