^

Bansa

10 taon vs Pinay na pumatay ng bf sa Kuwait

-

Hinatulan ng 10 taong pagkabilanggo ang isang Pinay sa Kuwait matapos nitong mapatay ang palike­rong Pinoy boyfriend nitong Marso. 

Sa report na tinang­gap ng Department of Foreign Affairs (DFA), napatunayan ng Kuwaiti court na guilty si Minerva Tayag, tubong Brgy. Ayala, Magalang, Pampanga sa kasong pagpatay sa kanyang boyfriend na si Rolan­do Casu­lang, 50, tu­bong Suri­gao, isang X-ray technician sa isang military hospital doon.

Si Casulang ay na­matay matapos buhu­san ng kumukulong langis sa mukha ng nagselos na si Tayag na hindi pa umano nakuntento ay pinuk­pok pa ang biktima ng matigas na bagay sa ulo. Naganap ang kri­men noong Marso 10, 2007. Naratay pa ang biktima sa ICU sa isang ospital sa Kuwait su­balit binawian din ng buhay. 

Nagawa umano ni Tayag ang krimen ng matuklasang bukod sa kaniya ay mayroon pang ibang girlfriend ang kan­ yang kasin­tahan.

Nakikisimpatiya na­man si Philippine Ambassador to Kuwait Ricardo Endaya sa mga kamag-anak ni Casulang sa sinapit nito.

Gayunman, naka­takdang umapela ang panig ng prosekusyon para maibaba pa sa anim hanggang walong taon ang hatol kay Ta­yag. (Joy Cantos)

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JOY CANTOS

KUWAIT RICARDO ENDAYA

MARSO

MINERVA TAYAG

PHILIPPINE AMBASSADOR

SHY

SI CASULANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with