^

Bansa

Seminar sa kasal ng mga pari itutuloy

-

Nanindigan ang pamunuan ng National Statistics Office na itutuloy nila ang pag­ sasailalim sa seminar sa mga pari na mag­kakasal  bilang rekisitos sa pagbibigay ng sa­kramento sa mga ikakasal.

Ayon kay NSO Administrator Carmelita Ericta, may kamalian sa pag fill up sa  marriage certificate forms at kaguluhan sa “instant marriage” ministers kaya dapat na magkaroon ng pagtutuwid dito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng seminar para dito.

“Walang problema sa kasal ng Katoliko maliban sa maling pag-fill-up ng marriage certificate. May mga 55,000 na mali ang entries, isa yan sa tinuturo sa seminar. Di yan tinuturo sa seminaryo, ”paliwanag ni  Ericta.

SInabi ni Ericta na ipagpapatuloy ng  NSO  ang pagpapatupad ng seminar sa Pebrero 12 at 14 para sa mga pari sa  Archdiocese of Manila. Anya, ang ahensiya ay nakapagsanay na ng may 4,000 pari sa buong bansa at ang seminar ay may halagang mula P900 hanggang  P2,400.

Sinabi ni Ericta na isinagawa ang seminar dahil  may mga instant  marriage minister na nagbebenta ng kanilang serbisyo. Tumatam­bay anya ang mga minister na ito sa mga city hall at mag-aalok ng kasal sa mga mag­ka­sintahan. “Iniimbestiga namin kung may simbahan o congregation, nadiskubre namin, ginagawa itong kalakal,” dagdag ni Ericta

Anya, ang seminars ay magsisilbing daan sa pagitan ng mga pari at NSO na maresolba ang ganitong problema.

Sa kanyang panig, sinabi ni  Fr. Ariston Sison Jr, parish priest ng Hearts of Jesus Parish sa Quezon City na ang seminar ay maaaring maging isang araw lamang at siya anya ay nakadalo na sa isa sa mga seminars sa Cubao.

“Ang binigay nila for two days kayang ibigay sa isang araw. Marami sa tinuro nila, pag-file, mali ang data..kaming legitimate Catholic priests, dalawang buong araw are a waste of time,” pahayag ni Sison. (Angie dela Cruz)

ADMINISTRATOR CARMELITA ERICTA

ERICTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with