Naniniwala si Pangulong Arroyo na magiging matatag, malakas at mapayapa ang bansa sa pagdiriwang nito ng Kapaskuhan.
Sa Christmas message ni Pangulong Arroyo sa sambayanang Filipino, ipinagmalaki niyang naging masigla ang ating ekonomiya, tumatalon ang stock market at umaagos ang investment sa bansa.
“Puno tayo ng pag-asa sa pagwawakas ng nagdaang taon at pagbubukas ng bagong taon,” wika pa ng Pangulo sa kanyang mensahe sa sambayanang Filipino ngayong Pas ko.
Binigyang papuri din ni Mrs. Arroyo ang 8 milyong Overseas Filipino Workers dahil sa kanilang pagsasakripisyo sa ibayong dagat na hindi makakasama ang kanilang pamilya sa Pilipinas dahil sa kanilang trabaho.
“Gusto nating ipabatid sa kanila kung gaano sila nami-miss ng mga kamag-anak at kaibigan sa ating bansa,” pahayag pa ng Pa ngulo.
Nanawagan din si PGMA sa lahat na magkapit-bisig, mag dasal para sa kapayapaan at tumulong sa mahihirap.
“Walang mas dakilang adhikain kaysa sa mamumuhay nang payapa at ligtas sa gutom at kakulangan. Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon,” wika pa ng Pangulo sa kanyang mensahe sa sambayanan. (Rudy Andal)