^

Bansa

DOLE naglinaw sa 13th month pay

-

Hindi lamang ang mga “full time rank and file workers” ang may karapatan para sa 13th month pay kundi maging ang mga manggagawa na nasa ilalim ng “piece rate basis”  o mga empleyado na binabayaran sa bawat piraso o unit ng kanilang natatapos na trabaho.

Nilinaw din ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Arturo Brion na maging ang mga empleyado na nagtatrabaho ng part time o rumaraket sa ibang kompanya maliban pa sa regular nilang trabaho ay may karapatan ding tumanggap ng 13th month pay mula sa bawat employer na kanilang pinagtatrabahuhan.

Paliwanag ni Brion, ang hindi lamang sakop ng 13th month pay ay yaong mga manggagawang binabayaran lamang ng komisyon at ang task basis o pakyaw. Para sa mga ganitong uri aniya ng manggagawa, depende na sa kanilang mga employers kung bibigyan sila o hindi ng 13th month pay.

Hinihikayat naman ni Brion ang mga employers ng mga kasambahay at iba pang manggagawang nagbibigay ng personal service na magkaloob din ng 13th month benefit. Dapat aniya na isaalang-alang ng mga employer ang hirap ng mga kasambahay na guma­gampan sa lahat ng trabahong bahay at nagiging dahilan upang magawa naman ng kanilang mga amo ang tungkulin sa kanilang mga trabaho o negosyo.

Ang 13th month pay ay dapat ibigay ng hindi lalagpas sa Dec. 24 ng bawat taon. Maaari rin naman aniyang hatiin ang pagkakaloob nito, ang kalahati ay ibibigay sa pagbubukas ng regular na school year at ang kalahati ay sa buwan ng Disyembre. (Mer Layson)

13TH

BRION

DAPAT

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DISYEMBRE

HINIHIKAYAT

MER LAYSON

SECRETARY ARTURO BRION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with