Babawasan ng Emir ng Kuwait ang sentensya ng Pinay domestic helper na si Marilou Ranario na nakapatay ng kaniyang employer noong Enero 10, 2005 hanggang sa ito’y tuluyang mapalaya.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo, tiniyak ni Kuwait Emir Sheik Jaber Al-Ahmad Al-Sabah na babawasan ang sentensya ni Ranario sa tuwing magdiriwang ng kanilang National Day ang Kuwait sa Pebrero 25 ng bawat taon.
Nakagawian na sa Kuwait na tuwing magdidiwang sila ng kanilang National Day ay binabawasan ng Emir ang sentensya ng ilang bilanggo na pinag-kakalooban ng commutation sa nagawang krimen. (Joy Cantos)