NPA ayaw ng  ceasefire

Ibinasura kahapon ng mga rebeldeng New  People’s Army ang ideya ng pagdedeklara ng tigil-putukan sa kanilang ha­nay bilang pagbibigay diwa sa pagdiriwang ng kapaskuhan.

Ayon kay Communist Party of the Philippines-New People’s Army Spokesman Gregorio “Ka Roger” Rosal, isang malaking kalokohan at palabas lamang umano ang 22 araw na idinekla­rang unilateral ceasefire ng gobyerno ni Pangu­long Gloria Macapagal Arroyo para tugunin ito ng ka­nilang kilusan.

Gayundin, binatikos rin ni Rosal ang tatlong taong ceasefire na imi­nungkahi ni Armed Forces of the Philippines Chief of  Staff Gen. Her­mogenes Espe­ron Jr. dahil katawatawa umano ito at panlalansi lamang sa hanay ng rebo­lusyo­naryong kilusan. (Joy Cantos)

Show comments