^

Bansa

2 police exec kinasuhan sa Manila Pen standoff

-

Kinasuhan kahapon sa Office of the Ombudsman sina Metro Manila Police Chief Director Geary Barias at Sr. Supt. Asher Dolina dahil sa umano’y iligal na pagkulong sa ilang personalidad na sang­kot sa Manila Peninsula siege at pag-abuso umano sa kapangya­rihan ng mga  ito.

Sa dalawang pahi­nang reklamo nina Fr. Robert Reyes, ret. Navy Capt. Julian Advincula, mga abogadong sina Argee Guevarra at JB Baustista, sinampahan nila ng kasong arbitrary detention base sa Article 124 ng Revised Penal Code at pag-abuso sa kapangyarihan ang na­turang mga opisyal.

Sinabi ni Guevarra na hindi katanggap-tanggap ang dinanas nilang pagtrato mula kay Barias at Dolina ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group. Kabilang dito ang pagkumpiska at pag-tamper sa kanilang mga cellphone. (Danilo Garcia)

ARGEE GUEVARRA

ASHER DOLINA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DANILO GARCIA

JULIAN ADVINCULA

MANILA PENINSULA

METRO MANILA POLICE CHIEF DIRECTOR GEARY BARIAS

NAVY CAPT

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

REVISED PENAL CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with