Nagpahayag kahapon ng kumpiyansa si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon na walang magaganap na kudeta sa pagdiriwang ng kapaskuhan sa bansa.
Ayon kay Esperon, hindi na makapanggugulo ang mga rebeldeng sundalo na kasamahan ng ngayo’y si Senador Antonio Trillanes IV dahil wala na ang mga itong suporta sa tropa ng militar na aktibo sa serbisyo matapos naman ang bigong tangkang kudeta ng mga ito noong nakaraang buwan. (Joy Cantos)