^

Bansa

Sumilao farmers ginagamit lang daw

-

Posibleng hindi mag­ karoon ng positibong re­sulta ang nakatakdang pag-uusap ng Sumilao farmers at ni Pangulong Arroyo ngayon matapos ibunyag ng isang negosyante na hindi totoong biktima ng palpak na land reform program ng gobyerno ang mga nagpo-protestang mag­sasaka.

Ayon kay Jess Aranza, pangulo ng Federation of Philippine Industries (FPI), tumanggap na ng 65 ektaryang lupa mula sa Salvador Carlos Estate, Su­milao, ang mga magsasaka ayon sa itinatakda ng Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL).

“Ang lupang ibinigay sa kanila sa ilalim ng CARL ay pag-aari ng kapatid ni FPI chairman Menelos Carlos kaya mali naman siguro na pati lupang hindi naman nararapat sa kanila ay ibigay pa rin sa kanila,” ani Aranza.

Aniya, ang patuloy na kontrobersiya sa Sumilao ay bumabawas sa interes ng mga negosyante na maglagak ng puhunan sa mga malalayong lugar at probinsiya sa bansa. “Na­wawalan ng gana ang aming mga miyembro na mamuhunan sa mga pro­binsiya dahil sa isyung ito.”

Idinagdag nito na gu­mawa sila ng pagsisiyasat dahil nasa sentro ng kon­trobersiya ang San Miguel Foods Inc. (SMFI), na isa sa mga miyembro ng FPI. Ang SMFI ay bahagi din ng San Miguel Corporation.

Noong nakaraang ling­ go ay dumating sa Metro Manila ang mahigit 50 magsasaka mula Sumilao matapos ang mahigit da­lawang buwang martsa upang ipaabot sa gobyerno ang kanilang hinaing na ibigay sa kanila ang pag-aari sa 144 ektaryang lupain ng pamilya ni Norberto Quisumbing na nabili ng SMFI sa pamilya noong 2002.

Bago ang transaksyon, idineklara ng Korte Su­prema na hindi lehitimong claimant ang mga nag­poprotestang magsasaka at ang lupain ay hindi sakop ng CARL. Balak ng SMFI na maglagak ng P2.4 bilyon upang ma-develop ang lugar sa isang modernong ‘feedmill complex.’

Hinihinala rin ng FPI na posibleng mga lokal na sindikato sa Bukidnon na may kontrol sa bilihan ng mais sa naturang lugar ang tunay na nasa likod ng kilos protesta upang ma­panatili ang kanilang mo­nopolyo sa naturang ne­gosyo.

Bahagi ng ‘business strategy ng SMC ang pag­taas sa pagbili ng presyo ng mais sa P10/kg, mula P3/kg. na ayon kay Aranza ay tiyak na sisira sa umiiral ng monopolyo ng ilang ‘vested interest’ sa Bukidnon.

Binatikos din ni Aranza ang ilang grupo ng kaparian sa Bukidnon na ‘nagbuyo’ rin umano sa mga magsa­saka na maglunsad ng protest march patungong Ma­la­cañang. (Rudy Andal)

 

ARANZA

BUKIDNON

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM LAW

FEDERATION OF PHILIPPINE INDUSTRIES

SHY

SUMILAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with