^

Bansa

Trillanes nag-sorry

-

“Sorry po.”

Ito ang buong pagpapakumbabang sinabi kahapon ni Sen. Antonio Trillanes nang humingi ng tawad sa korte kaugnay sa ginawa nilang pag-walkout sa pagdinig ng kanilang kasong kudeta noong November 29. 

Maliban sa verbal apology, nagsumite din umano ng formal letter of apology kay Makati Regional Trial Court (MRTC) Branch 148 Judge Oscar Pimentel si Trillanes at mga kapwa akusado.

Nakasaad sa sulat na walang kinalaman ang kanilang pag-walkout sa proseso ng korte sa pagdinig ng kanilang kaso at malaki din umano ang respeto nila sa nasabing korte partikular na kay Pimentel kung kaya’t humihingi umano sila ng dispensa.

Malugod naman umanong tinanggap ni Judge Pimentel ang paghingi ng sorry ng mga ito subalit binalaan niya sina Trillanes na kapag muling “lala­yasan” ng mga ito ang korte ay hindi lamang contempt of court ang kanilang kakaharapin kundi mas mabigat na parusa ang ipapataw sa kanila. 

Magugunita na nag-ugat ang Manila Pen standoff makaraang matagumpay na nakapag-walkout sa nasabing korte, makapag-martsa at kubkubin ng mga ito noong November 29 ang nasabing hotel.

Nakatakda sanang magbigay ng kanyang testimonya si Lim hinggil sa 2003 Oakwood mutiny, subalit naudlot ito nang yakagin ang nasabing opisyal palabas ng korte at magmartsa patungong Manila Peninsula. (Rose Tamayo Tesoro)

ANTONIO TRILLANES

JUDGE OSCAR PIMENTEL

JUDGE PIMENTEL

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

MANILA PEN

MANILA PENINSULA

ROSE TAMAYO TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with