Maagang namigay ng pamasko sa mga empleyado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang nag-ala Santa Claus ng pagkaguluhan ito sa departure area matapos abutan nito ng tig-P1,000 ang mga taong kinatuwaan niya.
Tuwang-tuwa ang mga empleado ng iba’t-ibang ahensiya ng pa mahalaan na nakabase sa NAIA ng maambunan sila ng maagang pamasko ni ARMM Governor Zandy Apatuan bago ito lumipad patungong Jeddah kahapon ng hapon.
Ang mga hindi naman naabutan o nabigyan ng pera ang nagalit kay Ampatuan.
Gayunman, inawat na ng mga awtoridad ang mag-amang Apatuan dahil dumarami na ang mga taong lumalapit sa kanila at baka magkaroon ng aberya ang seguridad.
Samantala, sinabi ni MIAA General Manager Al Cusi, walang masama sa mga taong nakatanggap ng pera mula sa Gobernador dahil hindi naman hiningan o pinilit silang magbigay ng pera.
May ipinapatupad na kautusan si Cusi sa mga empleado ng mga ahensiya sa airport na bawal ang manghingi o magsalita ng ‘MERRY CHRISTMAS’ sa mga pasaherong dumarating at umaalis dito. (Butch Quejada)