^

Bansa

Puganteng Magdalo timbog sa NAIA!

- Nina Joy Cantos At  Ellen Fernando -

Nadakip na ang isa sa apat na pumugang miyem­bro ng Magdalo Group na sangkot sa Peninsula standoff habang pasakay ng eroplano patungong Estados Unidos, kahapon ng madaling araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Si Marine Pfc. Alvin Celestino, kasapi ng AFP-Civil Relations Group ay naaresto bandang alas-4 ng madaling araw ng mga elemento ng PNP-Aviation Security Group (PNP-ASG).

“Nahuli siya sa NAIA while attempting to leave for Detroit,” ani PNP Chief Director Gen. Avelino Ra­zon Jr.

Nakuha mula sa pag-iingat ni Celestino ang ticket ng Northwest Airlines at working visa nito para sa nasabing bansa.

Sinabi ni Razon, base sa report ni Chief Supt. Atillano Morada, director ng PNP-ASG, pinigil at inaresto nila si Celestino ha­bang nasa process claim counter ng walang maipakitang travel authority at walang maipakitang order o katibayan na tang­gal na ito sa serbisyo para makapagbiyahe at magtra­baho sa ibang bansa. 

Batay sa nakuhang dokumento mula kay Ce­lestino, napag-alaman na may dala itong US working visa na may petsang Nob­yembre 27, dalawang araw bago ang naganap na Makati stand-off.

Nabatid na itinip ng AFP-Civil Relations Service (CRS)  sa airport security personnel na may planong tumakas ng bansa si Celestino. Hiniling ng CRS sa PNP-Aviation na hara­ngin ito sakaling mais­patan sa paliparan. 

Nakatakda sa­nang magtrabaho si Celes­tino sa Washington, DC bilang lifeguard at may dala rin itong mga doku­mento mula sa pinag-apla­yan niyang recruitment agency.

Unang naispatan ng mga tauhan ng ASG si Celestino habang pa­ pasok ito sa NAIA sakay ng puting Mazda at madali siyang nakilala dahil na rin sa mga ipinakalat na litrato ng PNP laban sa mga puganteng Magdalo na sangkot sa Manila Pen siege.

Magugunita na  nagpa­la­bas ng hold departure order ang Bureau of Immigration and Deportation (BID) laban sa lahat ng mga rebeldeng sundalo at personalidad na sangkot sa Peninsula siege. 

Kagabi ay sinampahan na ng reklamong rebelyon si Celestino kaugnay ng kanyang papel sa Peninsula standoff matapos sumailalim sa inquest proceedings ng Department of Justice (DOJ).  

Kabilang pa sa mga pinaghahanap sina Marine Captain Nicanor Fael­don,Technical Sgt. Elmer Colon at Sgt. Sonny Mada­rang.  Naniniwala naman si Gen. Razon na hindi pa nakakalabas ng bansa at pinaniniwalaang nagtatago lamang sa Metro Manila si Faeldon.

ALVIN CELESTINO

ATILLANO MORADA

AVELINO RA

CELESTINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with