^

Bansa

AFP general kinasuhan ng perjury

-

Naghain kahapon ng kasong perjury sa Pasay City Prosecutor’s Office sina opposition Senators  Jamby  Madrigal at Panfilo “Ping” Lacson laban kay Brig. Gen. Nestor S. Sa­dia­rin, hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Civil Relations Service ng Camp General Aguinaldo, Quezon City na umano’y namuno sa kontrobersiyal na survey laban kay Senator Antonio Trillanes 1V.

Dakong ala-1:50 ng hapon nang magharap ng naturang kaso sina Lacson at Madrigal kay city prosecutor Elmer Mitra laban kay Sadiarin matapos na mag­ su­mite umano ng ma­ling do­kumento kaug­nay sa kum­pirmasyon nito sa Commission on Appointments (CA).

Sa panayam kina Lac­son at Madrigal  pa­ ngu­na­hing layunin uma­no ng kanilang pag­sa­sampa ng kaso sa na­sabing heneral ay upang bigyan ng lek­siyon ang mga matataas na opisyal ng militar at ng kapulisan para matuto umano ang mga ito na galangin ang Senado.

“Magsisilbing lessons ito sa lahat ng mga ha­harap sa Senado at hindi dapat na binabastos”, pa­hayag ni Madrigal.

Si Madrigal ay nagsisil­bing minority leader ng CA, habang si Lacson naman ay miyembro ng minority ng makapangyarihang confirmation panel.

Sinabi pa ni Madrigal na hindi matanggap at kayang sikmurain ng buong miyembro ng CA Committee on National Defense ang naging ka­sinungalingan ni Sadiarin kung kaya’t nagpasya ang komite na ibasura na la­mang ang kanyang kum­pirmasyon.

Nangangamba din uma­no si Madrigal sa seguridad nito sa posibleng pag-resbak sa kanya ni Sadiarin.

Magugunita na sa isang pagdinig sa senado, nabatid na hiniling ni Madrigal kay Sadiarin ang orihinal na kopya ng survey form na ipinamahagi nito sa mga service commanders.

Labis na nadismaya umano si Madrigal mata­pos na isinumite ng na­turang heneral ang iba o hindi totoong kopya ng survey sa opisina nito.

Kaugnay nito, kinu­westiyon din ni Lacson kung saan at kanino galing ang pondong ginamit sa survey at ang pagiging konektado sa nasabing hakbangin ni Sadiarin. (Rose Tamayo Tesoro at Malou Esudero)

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CAMP GENERAL AGUINALDO

CIVIL RELATIONS SERVICE

LACSON

MADRIGAL

SADIARIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with