^

Bansa

Trillanes pinasisibak sa Senado

- Nina Joy Cantos at Malou Escudero -

Maaari umanong ma­patalsik bilang senador si Antonio Trillanes IV ma­tapos ang marahas nitong aksiyon nang kubkubin ang Manila Peninsula Hotel sa Makati City noong Huwe­bes.

Ayon kay PNP Chief Director Gen. Avelino Razon Jr., bilang isang opisyal na inihalal ng taumbayan ay nakagawa ng seryosong kasalanan si Trillanes dahilan sa pagtatangkang ibagsak ang gobyerno ni Pangu­long Arroyo.

Ipinahiwatig ni Razon na hindi gawain ng isang matinong opisyal na sirain ang tiwala ng taumbayan na nagluklok rito sa pu­westo.

Naniniwala ang PNP Chief na maaaring ma­ging basehan sa pagpa­patalsik kay Trillanes mula sa Se­nado ang naging hakbangin nito na maitu­turing na isang gawaing kriminal.

Bunsod nito, isang re­so­lusyon ang nakatakdang ihain sa Lunes ni Sen. Mi­riam Defensor-Santiago upang mapapanagot si Trillanes sa ginawa nitong “pagwawala” sa Manila Pen.

Ayon kay Santiago, isang unparliamentary act at disorderly behavior ang inasal ni Trillanes at hindi ito dapat palampasin ng Senate Committee on Ethics.

Aatasan ng senadora sa pamamagitan ng kan­yang ilalabas na resolusyon si Ethics chairman Sen. Pia Cayetano na agad mag­pulong.

Sinabi naman ni Gen. Razon na kasalukuyan na nilang pinag-aaralan kung pasok sa anti-terror law ang ginawang panggugulo ng grupo nina Trillanes at dating First Scout Ranger Regiment Chief Brig. Gen. Danilo Lim na labis na nakaapekto sa ekonomiya ng bansa.

Sa kasalukuyan ay tinatapos pa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang pagproproseso ng mga dokumento kaugnay ng imbestigasyon sa kaso upang masampahan ng karagdagang asunto sina Trillanes.

Hinggil naman sa pag­papatalsik kay Trillanes sa Senado, sinabi naman ng mga legal expert sa Department of National Defense (DND) na dapat ay may isa ring mambabatas na mag­simula o mag-file o kaya naman ay mag-indorso ng reklamo sa Senate Ethics Committee para patalsikin ang dating Navy officer.

Sa pagkakaalam ng mga opisyal, expulsion ang pinakamabigat na parusa para sa sinumang mam­babatas na gumagawa ng marahas na aktibidad na maaring maikategorya bilang capital offense. 

Magugunita na sa ka­bila na nakakulong si Trilla­nes ay umaabot sa mahigit 11 milyon ang boto nito nang kumandidatong sena­dor noong Mayo 14, 2007.

ANTONIO TRILLANES

AVELINO RAZON JR.

AYON

CHIEF DIRECTOR GEN

SHY

TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with