Inamin ng grupong Ang Dating Daan ang mga nagaganap na paglabag sa batas sa loob ng ADD Convention Center sa Apalit, Pampanga.
Sa isinagawang pagdinig ng Sangguniang Pambayan ng apalit, sinabi ni Apalit Vice Mayor Peter Nocum na inamin ng ADD, sa pamamagitan ng abogado nitong si Atty. Ferdinand Gallardo kasama ang isang pastor ng nasabing relihiyon na si Rico Fernandez, ang mga naunang alegasyon ng paglabag sa batas ng ADD kung saan nangako naman si ADD leader Bro. Eliseo
Soriano na isasauli ang lahat ng lupang hinahabol ng kanyang mga miyembro matapos na patituluhan ito sa kanyang pangalan.
Nilabag umano ng ADD ang land conversion law dahil ang lupang kinatitirikan ng ADD convention center ay isang agricultural land subalit pinagtayuan ng tiangge, sementeryo at dumpsite nang walang kaukulang permiso. (DF)