Kukunin ng Commission on Elections (Comelec) ang serbisyo at tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng paghahanap kay dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol.
Ayon sa Comelec, dis mayado sila ginawang pagkilos ng Philippine National Police na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nadadakip si Bedol sa kabila ng ipinalabas na warrant of arrest.
Nabatid kay Commissioner Rene Sarmiento, nakatakdang pag-usapan ng Comelec en banc ang posibleng paghingi ng tulong sa NBI kung saan ito na rin ang siyang maghahain ng warrant of arrest at maghahanap kay Bedol na nagtatago na sa batas.
Maging ang kahilingan sa Bureau of Immigration na mag-isyu ng hold departure order laban kay Bedol ay pinag-aaralan din ng Komisyon.
Sinabi ni Sarmiento na hindi mahanap ni Chief Supt. Joel Goltiao, police director PNP-Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), si Bedol kung kaya’t hindi rin maibigay ang arrest warrant laban dito. (Doris Franche)