^

Bansa

Pinay tinodas ng manliligaw sa Kuwait

-

Malagim ang sinapit ng isang 30-anyos na Pinay sa Kuwait matapos itong pagsasaksakin ng 33 be­ses ng kanyang manlili­gaw dahil lamang sa laptop.

Bagsak kalaboso ang suspek na si Bienvenido Espino Jr. na ngayo’y hu­mi­himas na ng rehas na bakal sa Kuwait Central Jail sa kasong pagpatay sa bik­timang si Jhias Gumapac, nagtratrabaho bilang baris­ta sa isang coffee shops sa Salmiya at tumatayong breadwinner ng kanyang pamilya sa Cagayan de Oro City.

Sa report na ipinarating kahapon ng Philippine Embassy sa Kuwait sa Department of Foreign Affairs, noon pang Oktubre 30 nangyari ang krimen. 

Nag-ugat ang krimen matapos na ma­ngutang ng pera si Bienvenido sa bik­tima kung saan gina­wang collateral ang laptop ng huli. Nang pilit binabawi ng suspek ang laptop gayong wala naman itong maiba­yad sa kanyang utang ay tu­manggi ang biktima da­hilan para pagsasaksa­kin nito ang babae. (Joy Cantos)

BAGSAK

BIENVENIDO ESPINO JR.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JHIAS GUMAPAC

JOY CANTOS

KUWAIT CENTRAL JAIL

ORO CITY

PHILIPPINE EMBASSY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with