Impeach vs GMA ibinasura
Ibinasura ng House Committee on Justice ang inihaing impeachment complaint ni Atty. Ruel Pulido laban kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo dahil sa kakulangan umano ng sustansiya.
Sa botong 43-1 ay nabasura ang Pulido complaint kung saan tanging si Laguna Rep. Edgar San Luis lamang ang pumabor sa inihaing reklamo dahil siya rin ang nag-endorso nito sa Kongreso.
Dahil dito, iginiit kahapon ng Malacañang na dapat ay ituon na ngayon ng mga mambabatas ang kanilang trabaho sa paglikha ng mga batas para sa ikagagaling ng ekonomiya matapos tuluyang ibasura ang impeachment complaint laban sa Pangulo.
Sinabi ni Presidential Spokesman at Press Secretary Ignacio Bunye, dapat ay ituon na ngayon ng mga mambabatas ang kanilang focus sa mga isyung kinakaharap ng bansa at bigyang prayoridad ang mga batas na para sa kagalingan ng ekonomiya at kabuhayan ng mahihirap.
“With this matter settled, we should move on and focus on issues that matter to our future. Too much preoccupation with politics does not promote stability, continuity, security and ordeer that we need to move Team
- Latest
- Trending