Pangungunahan ngayon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang paglulunsad sa lungsod ng Health Education Reform Order (HERO) sa Kaunlaran High School, na naglalayong magpatupad ng mga programang pang-medikal para sa mga mag-aaral ng mga pampublikong paaralan.
Ayon kay Echiverri, ang HERO ay isang paraan upang ma-update ang nakagisnang kurikulum sa mga pam publikong paaralan upang turuan ang mga mag-aaral ng tungkol sa preventive healthcare at maging ang pagsasagawa sa kanila ng mga medical at dental check-up.
Ani Echiverri, kapag ang preventive healthcare ay ituturo nang mabuti sa mga paaralan, mas matatandaan ito ng mga estudyante at maging ng kanilang mga kapamilya’t mga kaibigan upang makaiwas sa mga delikadong karamdaman.