^

Bansa

Pag-ilit sa Erap assets sinimulan

- Nina Butch Quejada at Angie dela Cruz -

Sinimulan na kahapon ng Sandiganbayan ang pagpapatupad sa naipala­bas nitong writ of execution para kumpiskahin ang mga ari-arian ni dating Pangu­long Joseph Estrada pabor sa pamahalaan.

Ang hakbang ay gina­wa ng anti-graft court upang unti-unti nang ma­pasakamay ng pamaha­laan ang may P735 million bank deposits kasama na ang kita at interes dito, gayundin ang P545-million Jose Velarde account at ang P200-million account na nakapangalan sa Erap Muslim Youth Foundation.

Ang writ of execution na naipalabas noong Nob­yem­bre 6 ay nagsasaad din ng pagkumpiska sa Boracay Mansion sa New Manila, Quezon City.

Nilinaw ng Sandigan­bayan na ang limang araw na deadline kay Estrada para boluntaryong isuko ang bank deposits at Bo­racay Mansion ay paso na noong nakaraang Lu­nes kaya ito ang nag-udyok sa kanila para mapasimulan na ang pagkumpiska sa mga asset ni Estrada.

Nilinaw ng Sandigan­bayan na sisimulan nila ang pagkumpiska sa mga ari-arian ni Erap na naka­tala sa pinakahuling statement of assets and liabilities nito kabilang na ang kanyang mga bahay, ma­mahaling sasakyan at furnitures. Kasama sa mga nakalistang bahay ni Erap ang mamahaling bahay sa Cubao, Quezon City.

Personal na ring hiningi ng Sandiganbayan ang tulong ni LTO Chief Rey­naldo Berroya para hingin ang tulong nito kaugnay sa sinasabing apat na SUVs na nakapangalan kay Es­trada.

Samantala, binalaan naman ni Estrada sa pa­mamagitan ni Atty. Jose Flaminiano si Sandigan­bayan Sheriff Ed Urieta hinggil sa gagawing pag­kumpiska sa mga assets ni Erap dahil may pending petition sa Sandiganbayan hinggil sa usapin ng writ of execution. 

Noong Nobyembre 9, nagsampa ang kampo ni Estrada ng motion to quash hinggil sa writ of execution at hiniling ng mga ito sa anti-graft court na huwag munang kumpiskahin ang asset ni Erap na patuloy pa ring kinukuwestyon noong panahon ng kanyang anim na taong plunder trial.

Sinabi naman ni Urieta na kahit na walang temporary restraining order mula Korte Suprema, ang San­diganbayan ay patuloy na kikilos para kumpiskahin ang mga ari-arian ng da­ting pangulo.

ERAP

QUEZON CITY

SANDIGAN

SANDIGANBAYAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with