Erap balik-Tondo
Muling bumalik kahapon sa Tondo, Maynila si dating Pangulong Joseph Estrada para muling magsagawa ng medical mission at pasalamatan na rin ang mahihirap na komunidad sa suportang ibinibigay sa kanya habang siya’y nakapiit.
Kasabay nito ay umapela si Manila Mayor Alfredo S. Lim sa mga kritiko ni Estrada na huwag bigyan ng maling impresyon ang pagbisita ng dating Pangulo sa mga depressed area, bilang pamumulitika at pagkampanya.
“Maski nakakulong ako ay ibinoto ninyo si Loi at ang aking anak bilang senador. Mamamatay ako at mabubuhay na muli, hindi pa rin ako makakabayad ng utang ko sa inyo.
“Nabatid na nagsagawa ng medical at dental mission si dating Senator Loi Ejercito kasama si Estrada sa Parola 1, Tondo kung saan libong Manilenyo ang napagkalooban ng libreng panggagamot. Bukod pa ito sa isinagawang pagdalaw din sa Vitas at Smokey Mountain kamakailan.
Tinatanggap pa rin ni Estrada ang sarili na siya ang ama ng oposisyon at sinabi niyang kahit nabigyan siya ng presidential pardon ay imposible pa rin silang maging magkakampi ni Pangulong Arroyo. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending



















