^

Bansa

Tulong ng Pagcor hindi dapat tanggapin ng CBCP

-

Hindi dapat tuma­tang­gap ng anumang tulong mula sa Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kung ba­batikusin din lamang ito.

Ito naman ang binig­yan-diin ni Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa pa­nayam ng Radio Veri­tas kahapon kasabay ng pa­hayag na may polisiya na hindi dapat tumang­gap  ng anumang donasyon mula sa Pagcor ang CBCP dahil na rin sa gina­gawang pag­batikos dito.

Aniya, hindi magan­dang tignan na binaba­tikos ang Pagcor sa­manta­lang patuloy naman ang pag­tanggap nito ng donas­yon o tulong sa Simbahan.

Dahil dito, dapat uma­nong gumawa ang CBCP ng malinaw na pag-aaral mula sa moral at pastoral point of view at ilahad kung ano ang mga negotiable at non-negotiable tungkol sa sugal.

Iginiit ni Bacani na malinaw umano sa Kate­kismo ng Simbahang Ka­toliko na hindi naman masama ang sugal subalit nagiging masama lamang dahil sa ilang pangyayari.

Bukod dito, sinabi ni Bacani na hinihingi niya sa CBCP na sabihin kung kailan tama at kung kailan puwede ang sugal.

Mahirap umanong gumawa ng blanket condemnation subalit hindi naman kayang pairalin. (Doris Franche) 

BACANI

BISHOP EMERITUS TEODORO BACANI

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DORIS FRANCHE

PAGCOR

PHILIPPINE AMUSEMENTS AND GAMING CORPORATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with